Showing posts with label mga saloobin. Show all posts
Showing posts with label mga saloobin. Show all posts

Saturday, October 18, 2008

doon

ngayon, naandito ulit ako sa dating tagpuaan. kung saan una kong nadama ang lahat. ngunit wala na ang dating simoy ng hanging bumalot sa aking katawan. wala na rin ang huni ng mga ibon at ang masasayang mga batang naglalaro sa kalayuan. hindi na rin nababakas ang pusong inukit sa kahoy na upuan. isa na lamang itong parke. tahimik.walang buhay.payapa.

3 taon. ganoon katagal akong naglaro dito. dito ako unang nadapa, bumangon, umiyak at lumigaya. ang parkeng ito ang aking buhay at pag-asa.

masasabi mong ako'y hibang at nagpasya pang bumalik dito. ngunit masisisi mo ba ako? mahirap kalimutan ang mga sandaling unang bumuhos ang ulan. sabay tayong sumilong sa malaking puno ng kaimito. at doon mo ako niyakap ng pagkahigpit higpit. sa iyong bisig. payapa ang lahat.

mahirap ding kalimutan ang tsokolateng pinagsaluhan natin sa dulo ng parkeng ito. tanaw tanaw nating dalawa ang paligid habang masaya nating isinusubo ang matamis na hershey's chocolate.

o baka nakalimutan mo narin na sa lugar na ito, ipinangako mong sa atin lamang ang buong mundo. sa atin lang. wala ng iba....wala ng iba....

ngayon, pinipilit ko na tuloy kalimutan ang lahat ng ito. sa bagay, maliit nga namang talaga ang parkeng ito para sa ating dalawa. marahil, hindi na nga talaga kayang ibalik pa ang mga punong naputol na...

ito na marahil ang katapusan. at nais ko lang magpaalam sa dati nating tambayan.

ngunit.....

iyong maaasahan....

hindi ako nagbago. nandito lang ako.

naghihintay.

nagbabakasakali...

-----------------------------------------------------

Thursday, March 27, 2008

pictures...






ewa...im missing you already.im sick and lost without you...





damn...



i want you back...


can you still forgive me?

















Wednesday, March 26, 2008

ang pagsulyap sa binondo


alas tres na ng hapon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hinahatak ako ng aking mga paa sa binondo. madalas naman akong mapagawi sa maynila ngunit hindi pa sa lugar na iyon. siguro mayroon nga akong gustong makita. isang bagay na matagal ng kumukulo sa loob at nagpupumiglas na kumawala at sumabog.

mataas na ang sikat ng araw pagdating sa carriedo at parang gusto ko ng bumalik at sumakay ulit ng tren papunta sa dakong malayo. malayo sa lugar na ito. ewan ko nga ba ngunit tila ako ay kinakabahan. parang nagbabadya ang isang ulan. makulimlim ang langit sa kalayuan. pero pucha. nandito na nga lang rin ako, ituloy ko na. hindi pwedeng tumalikod..

sumakay ulit ako ng jeep at nakarating na nga sa tinutunton. at oo nga. aking nakita na bihag pa rin ng binondo ang kulturang chino. napuno ng letrang hindi ko maintindihan ang mga kalsada. punong puno ng mga singkit ang paligid.. na andito na nga ako...nasabi ko na lang sa aking sarili.

at dahan dahan kong nilakad ang kalsadang papunta sa pinakamataas na gusali sa binondo.. hindi naman ito sadyang maganda sa kalayuan, ngunit may kung anung hangin ang dumadampi sa akin para akyatin ito at hamunin...

sana makaya ko... sana tama lang...

napatunayan kong may kakaibang ihip ang hangin sa binondo pag akyat ko sa pinakatuktok ng gusali. naging mainit ang sandali...tumutulo ang pawis at para bang ako ay napapaso. pero kinaya kong silipin ang dapat makita sa gusaling ito...hindi ko na inisip ang bukas. pawang ang sandaling ito na lang...siguro maganda nga talaga ang tanawin dito. kahit ata maghubad ako, walng papansin sa akin.

at doon nga nangyari ang lahat. napapigit na lang sa nakikitang bughaw na langit sa kaitaasan habang hinahaplos ako ng mainit na hangin.. sa pakiwari ko ay sasabog na ako sa kakaibang tanawin ng binondo..sige lang...damhin mo lang...

at ako nga ay sumabog at nagpatangay sa tibok ng ng puso ko.

hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit natuyo na ang aking pagkamangha pagkatapos kong akyatin ang gusaling kinalalagyan nito. marahil, ginusto ko ring makita kung anu nga ba ang totoong binondo. at unti unti kong nakikita sa kalayuan ang isang binondong kakaiba ang kulay na hindi gaya ng iniisip ko.

dapit hapon na, at malungkot kong pinagmasdan ang tanawing nakapaligid bago ko nilisan ang gusali. muli kong ipinigit ang aking mata...payapa na ang hangin...hindi na ako napapaso..
para bang tumigil na ang lahat simula sa oras na ito..

napansin kong papalubog na ang araw sa kalayuan....at kasabay nito ang paglubog na rin ng aking damdamin

nagpasya na akong lisanin ang binondo...iiwan ko na lang ang bakas ng sandali sa mga pader ng gusaling ito..hayaan na lamang ituring na isa sa mga paang tumapak at sumamba...hayaan ko na lang na maging isang alaala ang bawat pagkilos at pagpigit ng mata...

ngunit alam ko sa aking sarili na sa pag alis ko dito, baon ko naman ang isang bagong umaga...

hindi na ako babalik sa binondo.

Monday, March 17, 2008

sa bonifacio hi street..



pinilit kong isulat sa isang maliit na papel ang saloobin ng aking puso. ngunit ako yata ay nabigo sapagkat hindi makuhang ipinta ng mga grupo ng salita ang makatas na damdaming umaagos sa bawat sulok ng aking pagkatao.

siguro, kung may salita lang ang isang espiritu, mas madali ng intindihin ang kaunting patak ng luha at bara sa lalamunan bago lumangoy at magpatangay sa mahimbing na pagtulog.

siguro, madali ng tanggapin ang kaunting kurot sa puso sa mga pagkakataong naglalakad sa isang kalsada na kasalubong ang mga pamilyang mukha ng kasiyahan habang ako'y nag-iisa.

siguro, makakaya ng sikmurain ang katiting na kalungkutan sa mga tanghaling nilulunod ng malamig na hangin ang buo kong katawan habang iniisip kung paano maaabot ang bughaw na langit sa kaitaasan.

ngunit walang salita ang isang espiritu...pawang presensya lang na nagpapaalaa...bumubulong...sa panahon ng ating katahimikan...kung saan tinatangay tayo ng agos ng damdamin..

naisip kong marami na rin pala akong nakilala na parang gurong nagturo sa akin kung paano maging malakas at panatag. at alam ko na sa dulo ng aking diwa, ang ilan sa kanila'y nanatili pa ring buhay kahit papaano sa patay ko ng damdamin.

may isa na naaalala sapagkat nalimutang tuparin ang isang pangako...

may isa naman na pilit ibinabalik ng panahon sa mga biglaang pagkikita na hindi na inaasahan pa..hindi nangako...dumarating na lang...

may isa na ginustong manatili ngunit bakas na ang pagod sa halos dalawang taong pagyakap sa pagsasamang ginugulo ng oras at pagkakataon...

natuto ako sa kanila....na tumayo sa sariling paa...
na ang kaligayahan ay makikita lamang sa sariling mga mata...
nasa loob...tumitibok...

sa kabila ng lahat ng ito, tanggap ko na ng buong buo, masakit mang isipin, na walang kataga, o pagkakataon ang magpapatunay na totoo ang salitang panghabang buhay at hindi kathang isip lamang.

mayroon lang sigurong mga pagkakataong natitisod sa panandaliang kaligayahan na katumbas ng isang paghiram..

ang paghiram sa isang sandali..
ang paghiram sa katiting na ngiti..
ang paghiram sa damdaming nagmamahal..

kailan man ay hindi mapapasaatin sa pagkat sa huli, kailangan din palang isauli...

ibalik sa dapat kalagyan...

sa kawalan...upang mahanap naman ng ibang kailangan ng isang sandali...

kaunting pagngiti..

at kapirasong pagdama sa pagmamahal.

nakakapagod...mangambang maubos na ang bawat lakas sa pagpigil sa mga bagay na sadya ng itinakda..



siguro...pagod na nga talaga ang aking espiritu at kailangan ko na ulit isipin at damhin ang pinangarap, muntikan ng maabot na sinag ng araw sa kalayuan.


sana...sana masinagan muli...

ng matapos na ang pag iyak ng isang pusong nalumot na ng panahon at pagkabilanggo..

Friday, March 14, 2008

another day

one lazy afternoon, when the sun was shaded and the air smelled grass, i found myself gazing at the passing cars outside the coffee shop to where i was located. and for a moment, i realized that i was feeling a bit empty as i puffed the clouds of nicotine from my winston lights cigarette.

the girl adjacent to my coffee table did not help either when she asked if i am working for a real estate company. i am not holding anything except for a big black bag that i always carry.

" mukha na ba ako ahente?"

" di naman." she replied.

it must be the bag i guess.

few hours before this lazy afternoon...i spent my time doing nothing... (well i did a lot of things actually but i dare not to say that for privacy purposes)...which made me ponder if i am still on the right track.

I'm living a double-sided life and I'm afraid because i know from the very beginning that what i did....and still doing is wrong.


but i know i want it....and that makes it difficult.

in this side of eternity, we are often faced with difficult choices in life...like making the right career move, breaking up with a loved one.....and choosing to be happy.

but at the end of the day...what matters most is how fair you played the game....


i sighed and lit another cigarette upon thinking these thoughts...

it took me some time before i finally wrote the next remaining words...






i am not the same person that i used to be.





it's different now i guess...

Monday, August 20, 2007

Another coffee session in starbucks

some love stories are not meant to happen.

they should forever remain as stories...

and they should not get through one's heart.



they should however remind us

that it's meant to teach us..

make us better..

and stronger than ever before.




all im saying is..

there's no such thing as "us"


but we had a story to tell.

and all in all...


it was beautiful.


thank you...


all the best in the world..



chris

Tuesday, August 14, 2007

a little sunlight

perhaps i reached that point when all you can think of is the little sunlight poking in the innermost corner of your whole being.

it's like an old familiar voice...calling out..."hey chris you know what you want!"

yeah right...

" im sure...you want it chris..."

....

yes...


"then do it"


....



"do it chris..."



i want something different....


something that ive never done before......


i want to be in sales....



but you know...sometimes...our spirit gets weak...

it desires to break free...

and my heart's beating fast right now....

thug

thug

thug



i wanna do something else...




i want to break free...


i can almost feel it...



freedom



sunshine




joy




peace





i guess.... i know what to do now....



i'll follow my heart....

Monday, February 26, 2007

random thoughts

i never had the chance to say i'm sorry...
for not being the perfect partner to you..
perhaps our lives were only destined to meet once.
for our spirit should fly into another arms..
and i have no regrets about meeting you in the most unnecessary time and and space
because through you.. i have seen the greatness of what i can offer...

now i am confident that i will be able to face the world again..
with much love in my heart...and with much hope in my spirit...

thanks....for making me better....