Wednesday, March 26, 2008

ang pagsulyap sa binondo


alas tres na ng hapon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hinahatak ako ng aking mga paa sa binondo. madalas naman akong mapagawi sa maynila ngunit hindi pa sa lugar na iyon. siguro mayroon nga akong gustong makita. isang bagay na matagal ng kumukulo sa loob at nagpupumiglas na kumawala at sumabog.

mataas na ang sikat ng araw pagdating sa carriedo at parang gusto ko ng bumalik at sumakay ulit ng tren papunta sa dakong malayo. malayo sa lugar na ito. ewan ko nga ba ngunit tila ako ay kinakabahan. parang nagbabadya ang isang ulan. makulimlim ang langit sa kalayuan. pero pucha. nandito na nga lang rin ako, ituloy ko na. hindi pwedeng tumalikod..

sumakay ulit ako ng jeep at nakarating na nga sa tinutunton. at oo nga. aking nakita na bihag pa rin ng binondo ang kulturang chino. napuno ng letrang hindi ko maintindihan ang mga kalsada. punong puno ng mga singkit ang paligid.. na andito na nga ako...nasabi ko na lang sa aking sarili.

at dahan dahan kong nilakad ang kalsadang papunta sa pinakamataas na gusali sa binondo.. hindi naman ito sadyang maganda sa kalayuan, ngunit may kung anung hangin ang dumadampi sa akin para akyatin ito at hamunin...

sana makaya ko... sana tama lang...

napatunayan kong may kakaibang ihip ang hangin sa binondo pag akyat ko sa pinakatuktok ng gusali. naging mainit ang sandali...tumutulo ang pawis at para bang ako ay napapaso. pero kinaya kong silipin ang dapat makita sa gusaling ito...hindi ko na inisip ang bukas. pawang ang sandaling ito na lang...siguro maganda nga talaga ang tanawin dito. kahit ata maghubad ako, walng papansin sa akin.

at doon nga nangyari ang lahat. napapigit na lang sa nakikitang bughaw na langit sa kaitaasan habang hinahaplos ako ng mainit na hangin.. sa pakiwari ko ay sasabog na ako sa kakaibang tanawin ng binondo..sige lang...damhin mo lang...

at ako nga ay sumabog at nagpatangay sa tibok ng ng puso ko.

hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit natuyo na ang aking pagkamangha pagkatapos kong akyatin ang gusaling kinalalagyan nito. marahil, ginusto ko ring makita kung anu nga ba ang totoong binondo. at unti unti kong nakikita sa kalayuan ang isang binondong kakaiba ang kulay na hindi gaya ng iniisip ko.

dapit hapon na, at malungkot kong pinagmasdan ang tanawing nakapaligid bago ko nilisan ang gusali. muli kong ipinigit ang aking mata...payapa na ang hangin...hindi na ako napapaso..
para bang tumigil na ang lahat simula sa oras na ito..

napansin kong papalubog na ang araw sa kalayuan....at kasabay nito ang paglubog na rin ng aking damdamin

nagpasya na akong lisanin ang binondo...iiwan ko na lang ang bakas ng sandali sa mga pader ng gusaling ito..hayaan na lamang ituring na isa sa mga paang tumapak at sumamba...hayaan ko na lang na maging isang alaala ang bawat pagkilos at pagpigit ng mata...

ngunit alam ko sa aking sarili na sa pag alis ko dito, baon ko naman ang isang bagong umaga...

hindi na ako babalik sa binondo.

1 comment:

Anonymous said...

hey nice one.