pinilit kong isulat sa isang maliit na papel ang saloobin ng aking puso. ngunit ako yata ay nabigo sapagkat hindi makuhang ipinta ng mga grupo ng salita ang makatas na damdaming umaagos sa bawat sulok ng aking pagkatao.
siguro, kung may salita lang ang isang espiritu, mas madali ng intindihin ang kaunting patak ng luha at bara sa lalamunan bago lumangoy at magpatangay sa mahimbing na pagtulog.
siguro, madali ng tanggapin ang kaunting kurot sa puso sa mga pagkakataong naglalakad sa isang kalsada na kasalubong ang mga pamilyang mukha ng kasiyahan
habang ako'y nag-iisa.
siguro, makakaya ng sikmurain ang katiting na kalungkutan sa mga tanghaling nilulunod ng malamig na hangin ang buo kong katawan habang iniisip kung paano maaabot ang bughaw na langit sa kaitaasan.
ngunit walang salita ang isang espiritu...pawang presensya lang na nagpapaalaa...bumubulong...sa panahon ng ating katahimikan...kung saan tinatangay tayo ng agos ng damdamin..
naisip kong marami na rin pala akong nakilala na parang gurong nagturo sa akin kung paano maging malakas at panatag. at alam ko na sa dulo ng aking diwa, ang ilan sa kanila'y nanatili pa ring buhay kahit papaano sa patay ko ng damdamin.
may isa na naaalala sapagkat nalimutang tuparin ang isang pangako...
may isa naman na pilit ibinabalik ng panahon sa mga biglaang pagkikita na hindi na inaasahan pa..hindi nangako...dumarating na lang...
may isa na ginustong manatili ngunit bakas na ang pagod sa halos dalawang taong pagyakap sa pagsasamang ginugulo ng oras at pagkakataon...
natuto ako sa kanila....na tumayo sa sariling paa...
na ang kaligayahan ay makikita lamang sa sariling mga mata...
nasa loob...tumitibok...
sa kabila ng lahat ng ito, tanggap ko na ng buong buo, masakit mang isipin, na walang kataga, o pagkakataon ang magpapatunay na totoo ang salitang panghabang buhay at hindi kathang isip lamang.
mayroon lang sigurong mga pagkakataong natitisod sa panandaliang kaligayahan na katumbas ng isang paghiram..
ang paghiram sa isang sandali..
ang paghiram sa katiting na ngiti..
ang paghiram sa damdaming nagmamahal..
kailan man ay hindi mapapasaatin sa pagkat sa huli, kailangan din palang isauli...
ibalik sa dapat kalagyan...
sa kawalan...upang mahanap naman ng ibang kailangan ng isang sandali...
kaunting pagngiti..
at kapirasong pagdama sa pagmamahal.
nakakapagod...mangambang maubos na ang bawat lakas sa pagpigil sa mga bagay na sadya ng itinakda..
siguro...pagod na nga talaga ang aking espiritu at kailangan ko na ulit isipin at damhin ang pinangarap, muntikan ng maabot na sinag ng araw sa kalayuan.
sana...sana masinagan muli...
ng matapos na ang pag iyak ng isang pusong nalumot na ng panahon at pagkabilanggo..

No comments:
Post a Comment