tumutunog pa rin ang malakas na ugong sa likod ng tenga ko. kasabay ng sunod sunod na pagbayo ng puso ko. kasabay nito ang maligamgam na bahang umaagos sa gilid ng aking mata.
unti unting binalot ng malamig na hangin ang loob ng aking kaluluwa. nagpupumiglas na makawala sa loob ng lamig. nagmamakaawang wakasan na ang daloy ng dugong nagpapaalala sa lawa ng hinagpis.
"wala na akong pakialam sa yo."
dumadagundong. umuugong.sumisigaw. abot hanggang kabilang buhay.
"tapos na"
na sya namang magpapatuloy sa kambal na kalawakang kapatid ng ngayon.
mananatili.magpakailan man. hindi matatapos. tuloy tuloy lang.
Friday, June 3, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment