Tuesday, May 6, 2008

Ahente Dictionary

Kung iniisip mong sumabak sa mundo ng real estate, iyo munang pag aralan ang mga salitang dapat, take note DAPAT mong alamin upang hindi ka ma o.p at ma windang sa mga terminong ahente lang ang nakakaalam. hehe.

Ahente-- - isang nilalang na laging naglalakad sa lugar na maraming mayaman, naka long sleeves at tie, may dalang super laking bag na kala mo laptop flyers lang pala. malikot ang mata, may dalang clipboard at kung anu anung anik anik.

High end - astig na property. hindi chipipay.

Mid end - mga property na pwede na. papasa na.

low end- chippangga. lowest level ng property development.
pwede rin sa tao.

Broker - mga ahenteng nagsusuot ng kabigla biglang pattern ng pananamit.
mga oldies

Use it in a sentence: Ay mukha siyang broker. ewwwww.

Saturate- eto ang akto ng panghuhunting sa mga taong mayaman sa pamamagitan ng paglibot libot sa mga lugar na maraming qualified at potential buyers. bitbit mo dapat lagi ang ang iyong ballpen( dapat mukhang sosyal), notebook at flyers.


kamikazee - panghuhunting nang klyente gamit ang sasakyan. ipagdridrive ka ng iyong boss at sabay nyong babaybayin ang mga qualified locations at pag may nakita na super hot clients, agad ititgil ng iyong boss ang sasakyan at hahabulin ang cliente upang makuha ang kanyang name, adress, telephone, at cellphone. kailangan ang mga detalyeng ito para sila ay iyong makulit at mabentahan.

kalyo - ang matigas na balat na makikita kadalasan sa mga paa ng ahente. minsan nasa kamay sa sobrang pag shake hands.

foot spa - ang heaven ng mga paa ng ahente

yosi - as in sigarilyo. enuh ba? ginagamit bago humarap sa cliente, pagkatapos humarap sa cliente, kapag nakabenta, kapag nabogus ka ng cliente, kapag wala pang benta, kapag bored na, kapag walng magawa, kapag nag sales meeting etc.

back out - mga buyers na nag back out. leche.

bading magnet -- mga ahenteng lalaki na lapitin ng bading. maraming indecent proposals

D.O.M. Chick --- mga ahenteng babaeng favorite ni mayor jalosjos. kalibog libog ang asset.

Bogus - tawag sa mga clients na mahilig mag paasang bibili
- akala mo buyer na pero di pala.
- manlolokong clients
- pitik cellphone clients. ( holdaper ang pota.)

maisan - isang lugar sa tagaytay na dinadaan ng mga rich. pucha ang araw kamusta naman.
parusa sa mga ahenteng walang guest sa cathay land.
" wala kang guest, mag hatak ka dun ka sa misan!!!!! ( medyo devilish ang tawa ng boss )bwhahahahaha. "

guard - ang mga kontra bida ng ahente sa pagsasaturate.
" pare ingat ka sa guard"

third eye - isang ability ng ahente na makakita ng mga qualified kahit nsa malayo. eto ang pasimpleng tingin sa tatak ng relos, bag at kung anu anun alahas sa mga clients.haha.

benta - ang ultimate goal ng mga ahente. bumenta.

insertion - ang akto ng paglalagay ng flyers sa mga kotse sa parking lot.

buwakaw - mga ahenteng kupal. mang aagaw ng kliyente.

patintero - ang strategy upang makausap mo ng matagal ang client

ex. ahente - " hi sir how are ou po? ( sabay block sa dadaanan ng potential client)

erase - ang paboritong gawin ng mga kliente pag kaka usapin mo sila

ex. ahente- " hi sir"
client - no.( sabay erase sa pamamagitan ng kamay)



at kung anu anu pa depende kung saang developer ka nagwowork. sana nakatulong =)