Minsan ang hirap tanggapin
Na unti unting dumidilim
Ang Langit sa paligid natin
Parang nawawala na rin
Mga tala na nagsisilbing
Gabay sa pangarap ko at pangarap mo.
Nais lang naman maabot
Liwanag na pangako mo.
Chorus:
Oh matayog na bituin
Bakit ang hirap abutin
Di ba sapat ang bisig ko
Para maabot kita
Kung ika'y magniningning
Sana'y lumapit sa akin
At ngayong wala ka na
Hindi ka na nakikita
Nais lang sabihin sa yo,
Na hanggang ngayon
nangangarap pa rin ako.
Chorus 2:
Oh pangarap na bituin
Bumalik ka na sa kin
Pangako kong ako naman
A ng syang magniningning
Sa mga pangarap mo
Ako sana'y tanggapin
Kahit ngayong wala ka na
Hindi ka na nakikita
Nais lang Ipahatid sa iyo
Na hanggang ngayon aking bituin
Nangangarap pa rin ako.
Music and Lyrics: Chris Tabayan
Friday, September 28, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)